Daily Covid cases papalo sa 20K

NANINIWALA ang OCTA research group na maaaring pumalo sa 20,000 ang arawang kaso ng Covid-19 sa bansa.


Nitong Martes ay nakapagtala ng 5,434 bagong kaso habang umakyat na sa 26.2 porsyento ang positivity rate, pinakamataas simula noong nakaraang Setyembre.


Ngayong araw, ipinalalagay ni OCTA fellow Guido David na nasa pagitan ng 11,000 at 12,000 ang mga bagong kaso ng nakahahawang sakit.


“By next week, most likely madadagdagan pa ‘yan. Posibleng dumoble pa ‘yan, aabot tayo mga 20,000 plus,” ani David.


“Kung susundan natin ‘yung South Africa experience at dahil marami na tayong bakunado, may chance na pagdating ng kalagitnaan ng January, doon na natin makikita ang peak at magsisimula nang bumaba,” dagdag niya. –A. Mae Rodriguez