NASA 11 porsyento man ang ibinaba sa arawang kaso ng Covid-19 sa buong bansa ay hindi pa rin masasabi na epekto ito ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon kay Guido David ng OCTA Research, sa isang linggo pa madetermina ang epekto ng MECQ sa mga kaso ng Covid-19
“It would be premature to conclude anything right now. We could expect it around next week,” ani David.
Sa Metro Manila, nakapagtala ng 3,144 average daily cases sa nakaraang pitong araw o 18 porsyentong mas mababa sa 3,337 average daily cases noong linggong sinundan nito.
Samantala, sinabi ni David na walang naganap na surge sa pagtaas ng bilang ng bagong kaso noong Sabado.
“I would clarify that we would not see this as a surge, of course any increase in cases is concerning, if we look at the weekly average in the whole Philippines. The average over the past 7 days is 8,246 — 11% lower than the previous average of 9,253,” paliwanag niya.