INIHAYAG ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na papalo sa 18,000 ang arawang kaso ng Covid-19 sa Setyembre sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pang karatig na lugar.
“Ang initial projections natin, nagpakita na kapag tayo ay nagpatupad nitong mga higher community quarantine classifications for this next four weeks, we will still reach around 18,000 active cases by the end of September,” sabi ni Vergeire.
Sa pagtataya ng mga eksperto, dagdag ng opisyal, posibleng abutin pa ito ng 32,000 kaso kada araw kung tanging GCQ with heightened restrictions lamang ang ipatutupad sa loob ng apat na linggo.
“And, if we do one week GCQ with heightened restrictions, two weeks ECQ and three weeks MECQ, (we will have) 58,000 active cases by the end of September,” sabi niya.
“So, looking at our projections, makikita natin na kahit na tayo ay magsasagawa nitong paghihigpit ng ating mga quarantine classification. We will still see the rise in the number of cases,” dagdag niya –WC