Dagdag na 2M doses ng Sinovac dadating sa bansa bukas

DARATING bukas ang karagdagang dalawang milyong doses ng Sinovac vaccine sakay ng Cebu Pacific flight 5J671.

Inaasahang lalapag ang eroplano na may sakay ng mga bakuna alas-7:30 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA2).

Kabilang sa mga darating na Sinovac ang 1.5 milyong doses na binili ng gobyerno at karagdagang 500,000 doses ng IP Biotech.

Inaasahang sasalubong muli sina Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. at Health Secretary Francisco Duque III.