NANAWAGAN si Pangulong Duterte sa Estados Unidos ng karagdagang mga bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19).
“I am just asking America to give us more kung mayroon lang sila. We are not — I know that mauna kami — or kami muna, we first before you. We understand it and we accept it. But if there is an excess of supply sa inyo, pakitulong naman dito sa bayan ko,” pakiusap ni Duterte sa kanyang Talk to the People Martes ng madaling araw.
Inamin din ni Duterte na binawi niya ang suspensyon ng Visiting Forces Agreement ng bansa sa Estados Unidos dahil na rin sa usapin ng bakuna.
“Sabihin ko na sa publiko bakit ako pumayag, it’s because of the bakuna.” aniya.
Gayunman, sinabi ni Duterte na may pera rin ang Pilipinas para sa mga karagdagang bakuna.
Nag-donate ang Estados Unidos ng mga bakunang Moderna at Johnson & Johnson sa pamamagitan ng COVAX facility, ang vaccine-sharing program na pinangungunahan ng World Health Organization at Gavi alliance.