UMAKYAT na sa 10 porsiyento ang Covid-19 positivity rate sa bansa, ayon sa isang health expert na inihayag din na tatagal ng hanggang apat na linggo ang nararanasang pagtaas ng mga kaso.
“Ang mga newly infected individuals based on positivity rate ay nag-umpisa nang tumaas. We are above the 10 percent now especially in the National Capital Region,” ani Infectious Diseases expert Dr. Rontgene Solante sa Laging Handa briefing.
Ayon kay Solante, mas mabilis ang pagkalat ng mga kaso o surge dahil sa mga Omicron subvariant.
“And we would expect this uptick of the cases to be a bit … within the next three to four weeks siguro ‘no dahil mataas ang hawaan nitong bagong mga variants na nakikita natin sa Philippine Genome Center surveillance like the B5 and the B4,” dagdag niya.