NAGBABALA ang OCTA Research group sa posibleng pagtaas ng kaso ng Covid-19 dahil sa pag-aalburuto ng Taal Volcano.
Sa isang panayam, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nagkakaroon ng pagsipa ang mga kaso ng Covid tuwing may nangyayaring kalamidad sa bansa.
“Well, we are concerned, pero slightly lang naman. Last year nagkaroon tayo ng mga flooding, typhoon– nagkakaroon talaga ng mga spike in cases. This will happen pero, hopefully, this is something mawawala rin agad in terms of Covid cases,” sabi ni David.
Idinagdag niya na sa kasalukuyan ay tumaas na ang mga kaso sa Laguna at Cavite.
“We are already seeing a spike in cases in Laguna, Medyo unstable ‘yung trend sa parts of Cavite. I’m not sure kung connected na ‘yan sa Taal Volcano unrest but it is already increasing slightly,” aniya. –WC