WALO sa bawat 10 Pilipino ang aprubado ang ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic, ayon sa resulta ng survey ng OCTA Research.
Sa survey na isinagawa mula Marso 5 hanggang 10, lumalabas na 83 porsyento ng mga respondent ang sumasang-ayon sa mga ginawa o ginagawa ngayon ng gobyerno upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Nasa 42 porsyento ang nagsabing “truly approve,” habang 40 porsyento ang nagsabi na “somewhat approve.”
Samantala, dalawang porsyento naman ang nagsabi na “truly disapprove”.
Nasa 11 porsyento naman ang hindi nagsabi kung approve o disapprove.
Batay sa survey, mula sa Visayas ang may pinakamataas na nagsabing aprubado nito ang COVID-19 response ng pamahalaan na aabot sa 92 porsyento.