SINABI ng isang eksperto na nagiging endemic na ang coronavirus disease (Covid-19) kung saan maituturing itong ordinaryong sipon na lamang ito.
Idinagdag ni infectious diseases expert Dr. Edsel Salvaña na asahan na ang pagtaas at pagbaba ng mga kaso ng Covid-19.
“Nakikita naman talaga natin dito sa COVID ay mukhang nagiging endemic na siya in the sense na nagsi-circulate na iyan na parang sipon, hindi na siya talaga mawawala nang todo,” sabi ni Salvaña.
Ayon pa kay Salvaña, nabawasan na rin ang nagpapasuri gamit ang RT-PCR test.
“Karamihan ang ginagamit na lang ay iyong antigen, so hindi actually iyon nari-record. So, we’re not absolutely sure kung ano talaga iyong ibig sabihin ng numbers na ito compared doon sa time na RT-PCR lang iyong ginagamit natin,” dagdag ni Salvaña.