KALAT na ang COVID-19 Indian variant, ang sinasabing pinakadelikado, sa 44 bansa kabilang na ang Pilipinas.
Ayon sa World Health Organization mabilis ang pagkalat ng Indian variant or B.1.617 variant ng coronavirus disease na unang nakita sa India noong Oktubre.
Dagdag pa ng WHO, nakatanggap na sila ng ulat mula sa 44 bansa na miyembro ng organisasyon na ngayon ay nakararanas ng outbreak mula sa nasabing Indian variant.
Nitong Martes, iniulat ng Department of Health na nakapasok na sa bansa ang Indian variant ng COVID-19 na unang nakita sa ilang OFWs na nagmula sa Middle East.