PAPALAPIT na ang pagtatapos ng COVID-19 pandemic.
Ito ay ayon sa World Health Organization kasabay ng patuloy na pagbaba ng bilang ng coronavirus disease cases sa buong mundo.
Dahil dito, nanawagan ang WHO sa mundo na samantalahin ang pagkakataon na wakasan na ang pandemya.
Base sa datos, naitala noong isang linggo ang pinakamababang bilang ng mga tinamaan ng virus simula nang ideklara ang pandemya noong Marso 2020, ayon kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, chief ng WHO.
“We have never been in a better position to end the pandemic. We are not there yet, but the end is in sight,” ayon sa opisyal.
Kailangan lang anya ay sunggaban ng mundo ang oportunidad na ito.
“If we don’t take this opportunity now, we run the risk of more variants, more deaths, more disruption, and more uncertainty.”
Sa tala, bumaba sa 12 porsiyento o 4.2 milyon kaso ng COVID-19 noong isang linggo, kumpara sa linggong nauna rito.
Gayunman, maaari umanong “mapanlinlang” ang numero dahil maraming bansa ang nagbawas ng pagsasagawa ng testing kaya hindi namomonitor ang totoong bilang ng kaso.