Site icon Pinoy Publiko

Covid-19 cases tumaas ng 50%

A health worker in a protective suit talks to a man at the Amang Rodriguez Memorial Medical Center emergency area in Marikina, Philippines, Friday, March 26, 2021. The Department of Health reported over 9,800 new COVID-19 cases today, the highest number since the pandemic hit the country last year as it struggles to contain an alarming surge in coronavirus infections. (AP Photo/Aaron Favila)

UMAKYAT sa 50 percent ang kaso ng daily confirmed cases ng Covid-19 nitong nakaraang linggo, ayon sa Deparment of Health.

Sa latest weekly bulletin ng DOH, sinasabi na umakyat sa 389 mula sa dating 260 ang daily average case ng Covid-19.

Sa naitalang 2,725 na nagpositibo sa sakit nitong nakaraang linggo, 16 ang sinasabing severe case.

Samantala, nasa 16 katao naman na ang naitalang nasawi dahil sa Covid-19 nitong Disyembre.

Sa kabuuan, umabot na sa 66,795 katao ang namatay dahil sa virus habang 4.1 milyon na ang nadale nito simula nang ideklara ang pandemya noong 2020.

Exit mobile version