Covid-19 cases sa PH papalo ng 30K bago matapos ang Setyembre–OCTA

NAGBABALA ang OCTA Research na posibleng umabot sa 30,000 kada araw ang mga kaso ng Covid-19 sa bansa matapos itong umabot sa mahigit 26,000 nitong Sabado.


Sa panayam sa radyo, iginiit ni OCTA Research fellow Prof. Guido David na dapat repasuhin na ng pamahalaan ang Covid-19 response nito.


“Assuming walang pagbabago sa bilang ng kaso, it is very possible na maabot natin ang 30,000 kaso before the end of the month,” sabi ni David.


Dagdag niya na nasa 14 porsiyento na ang growth rate ng mga kaso ng Covid-19.


“Before this week, umaasa pa tayo na baka magkaroon ng downward trend, pero ngayon we have to reevaluate yung atin projection based sa nakikita natin,” ani David.


“We have to adjust to the reality na mataas na talaga ang cases at tumataas ang grown rate at hind pa rin bumababa,” sabi pa niya. –WC