CHR chair Gascon pumanaw, biktima ng COVID-19

PUMANAW ang Commission on Human Rights (CHR) Chairman na si Jose Luis Martin “Chito” Gascon dahil sa COVID-19. Siya ay 57.

Sa post ng kanyang kapatid na si Miguel sa Facebook, sinabi nito na pumanaw ang kanyang kapatid dahil sa COVID-19.

“Sa dami mong laban, sa COVID pa tayo natalo! Love you Kuya!,” pahayag nito sa kanyang post.

Kinumpirma na rin ng tanggapan ng CHR ang pagpanaw ng hepe nito.

Na-appoint si Gascon na chairman ng CHR noong 2015 sa panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Mapapaso sana ang kanyang termino sa 2022.