Bulto ng 2M AstraZeneca vaccine ibabagsak sa NCR Plus.

KARAMIHAN ng bagong dating na bakuna kontra-Covid-19 mula sa AstraZeneca ay gagamitin sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal, inanunsyo ng Department of Health ngayong are.


Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakatakda nang ikalat sa mga rehiyon sa bansa ang dalawang milyong doses ng bakuna.


Aniya, nasa 500,000 doses ang inilaan sa NCR Plus. “Nasa NCR Plus Bubble ang pinakamataas na alokasyon so that we can be able to have herd containment in this epicenter of this disease,” sabi ni Vergeire sabay dagdag na maambunan din ng bakuna ang Central Luzon at Calabarzon.


Dumating mula Covax facility ng World Health Organization (WHO) ang dalawa milyon doses ng AstraZeneca vaccine noong Sabado.