SINABI ni Education Secretary Leonor Briones na naging ‘highly successful’ ang pilot implementation ng face-to-face classes sa 287 paaralan na lumahok.
“Sa pilot, Mr. President, 287 schools ang nag-participate. Ang mga 15,000 na learners ang involved. Natapos ito noong December 22,” sabi ni Briones sa kanyang ulat kay Duterte sa Talk to the People.
Idinadag ni Briones na walang naitalang kaso ng coronavirus disease (Covid-19) sa 15,000 mag-aaral na lumahok sa in-person classes.
Gayunman, sinabi ni Briones na hindi muna itutuloy ang face-to-face classes dahil sa patuloy na banta ng Omicron.