INABOT na ng ikatlong wave ng pandemya ang Brazil matapos lumagpas sa 500,000 ang bilang ng mga namatay sa coronavirus disease.
Ang Brazil and ikalawang bansa, sunod sa Estados Unidos, ang umabot sa kalahating milyon ang bilang ng mga nasawi dahil sa virus.
“500,000 lives lost due to the pandemic that affects our Brazil and the world,” ayon sa Health Minister nito na si Marcelo Queiroga.
Ayon sa huling ulat, nakapagtala ang Brazil ng kabuuang 500,080 deaths, 2,301 ang pinakabago na nasama sa listahan.
Dagdag pa ng report, ang average daily death tally ng bansa ay lagpas ng 2,000 — kauna-unahan na nangyari simula noong Mayo 10.
“The third wave is arriving, there’s already in a change in the case and death curves,” pahayag naman ni Ethel Maciel, isang epidemiologist, sa report ng AFP.
may third wave na ng COVID-19