Boracay dinumog ng taga-NCR Plus

HUMIGITKUMULANG 700 turista mula sa National Capital Region Plus ang dumating nitong Sabado sa Boracay.


Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, dumating sa isla ang mga turista sakay ng pitong flights.


Dinumog ang Boracay ilang araw makaraang ianunsyo ng Malay Tourism Office (MTO) na pwede nang magpunta roon ang mga residente ng Metro Manila, Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 15.


Nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” ang nasabing mga lugar.


“If NCR+ becomes plain GCQ after June 15, it would be a continuous takeoff. If NCR+ goes up again to MECQ, it may stop leisure movements again,” ayon sa MTO.


Maaarii ring makabisita sa isla, dagdag nito, ang mga residente ng mga lugar kung saan umiiral ang GCQ at modified GCQ.


Dumating naman sa Kalibo si Transportation Sec. Arthur Tugade upang personal na mainspeksyon ang Kalibo International Airport.


“Airports in the country are strict in ensuring safety and health protocols are observed to prevent the transmission of Covid-19,” aniya.