SISIMULAN na ng Department of Health ang booster shot para sa mga priority group sa huling dalawang buwan ng taon.
“Ito pong gagawin nating third doses and booster shots, it’s going to be this baka last quarter po,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
“Ito pong parating na Nobyembre at Disyembre magawa natin kung lalabas po ‘yung emergency use authority na manggagaling sa Food and Drug Administration.”
Inaprubahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbabakuna ng booster shot sa mga healthcare workers.
Aabot na sa 25 milyong Pilipino ang fully vaccinated na kontra-COVID.
Samantala, 9,928 naman ang bilang ng mga batang edad 12-17 ang nakatanggap na ng bakuna.