NANINIWALA si dating vice president Jejomar Binay na lockdown na ring maituturing ang bubble na ipinatutupad sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
Giit ni Binay, ayaw lamang na tawagin ito na lockdown ng administrasyon dahil magiging pag-amin ito na bigo ang pamahalaan at mayroong kapabayaan.Kinontra naman ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa pagsasabing hindi naman isinara ang ekonomiya kagaya ng ECQ o MECQ.
“It’s a limitation on mobility na nagdadahilan para tumaas ang kaso ng Covid pero bukas po ang ating ekonomiya,” paliwanag ni Roque.