HINDI na nakikitaan ng mga sintomas ng COVID-19 si Pangulong Bongbong Marcos nitong nakalipas na dalawang araw at maari na siyang lumabas, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
Idinagdag ni Angeles na binisita si Marcos ng kanyang doktor na si Dr. Samuel Zacate sa kanyang bahay alas-10 ng umaga ngayong Miyerkules at isinailalim sa pagsusuri.
“Dr. Zacate gave the happy news that on the 5th and 6th day of his isolation, the President is now free from all symptoms of Covid 19,” sabi ni Angeles.
Natapos na rin ni Marcos ang lahat ng gamot na inireseta sa kanya at pwede nang sumabak sa face-to-face activities simula sa Biyernes.
“Dr. Zacate told the President that that he still needs to complete his seven-day isolation as mandated by the health department’s protocol,” dagdag ni Angeles.