POSIBLENG gawing 100 percent na ang face-to-face classes sa Nobyembre, ayon kay Pangulong Bongbong Marcos nitong Martes.
Anya, ito ang tinitingnan ngayon ng Department of Education bilang paghahanda sa pagbubukas ng kalse sa Setyembre.
Ginawa ni Marcos ang pahayag matapos ang kauna-unahan niyang Cabinet meeting.
“There are some things immediately accessible we can start doing something about it already,” ayon kay Marcos sa pagharap niya sa media matapos ang meeting sa kanyang Gabinete.
“The first thing that is an example of that is Inday Sara’s announcement that we have a plan for full face-to-face by November of this year,” anya.