SISIMULAN na ang pagpapabakuna sa mga batang may edad 12 hanggang 17 sa Oktubre 15, ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje.
Anya, uunahin ang mga batang may comorbidities na bibigyan ng bakuna sa mga lugar dito sa Metro Manila.
“Ang target natin ay masimulan ito sa October 15. Umpisahan natin sa National Capital Region, kasi maganda-ganda na iyong coverage ng kanilang vaccination lalung-lalo na iyong kanilang A2, nasa more than 50%,” sabi ni Cabotaje.
Idinagdag ni Cabotaje na dadalhin naman ang pagbabakuna sa mga rehiyon pagkatapos ng dalawang linggo.
“At pinag-uusapan namin kung sa umpisa gagawin muna sa mga ospital para makita kung ano iyong mga reaksiyon,” ayon pa kay Cabotaje.