KINUMPIRMA ni San Juan City Mayor Francis Zamora na may dalawang kaso ng Delta variant sa siyudad–isang batang lalaki at isang 25-anyos na babae.
Ani Zamora, asymptomatic ang babae, isang empleyada, habang may lagnat ang siyam-na-taong-gulang na bata.
“The family underwent quarantine at the Kalinga Center starting July 1 and were released on July 15,” ayon sa alkalde.
Samantala, sinigurado ni Zamora na may mga hakbang ang siyudad para hindi na kumalat pa ang Delta variant.
“We are taking all necessary precautions against the spread of the COVID-19 Delta variant,” aniya.
“All health and safety protocols are being strictly implemented while stringent contact tracing is being conducted to make sure we arrest the spread of the virus,” dagdag ni Zamora. –A. Mae Rodriguez