MAAARI nang makapasok sa Hong Kong ang mga fully vaccinated na overseas Filipino workers simula Agosto 30 bast ipapakita lang ng mga ito ang kanilang certificate na inisyu ng Bureau of Quarantine (BOQ).
Ito ang inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III nitong Linggo kasabay ang pag-anunsyo na pinayagan na ng Hong Kong government ang mga Pinoy na fully vaccinated laban sa coronavirus na makabalik sa kanilang trabaho.
Nasa 3,000 OFWs ang inaasahang makababalik na sa kanilang trabaho sa Hong Kong.
Bakunadong OFWs pwede nang pumasok sa HK simula Agosto 30

FILE PHOTO: Passengers, mostly Overseas Filipino Workers (OFW) queue at the departure area of Ninoy Aquino International Airport amid the coronavirus disease (COVID-19) outbreak, in Pasay, Metro Manila, Philippines, June 1, 2021. REUTERS/Eloisa Lopez