Bakunado di magiging zombie–Inday Sara

PINAKALMA ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanyang mga nasasakupan na natatakot umano na magiging zombie kapag nabakunahan kontra Covid-19.


Ayon kay Duterte-Carpio, maraming taga-Davao ang nagdadalawang-isip magpabakuna dahil baka maging zombie sila kapag naturukan.


Sinabi ni Duterte-Carpio na karamihan sa may ganitong pangamba ay ang mga Lumad o indigenous people (IPs).


“I talked to one of our doctors nga dunay mga IP na vaccinees and yes, madungog na nila nga mahimo kang mga zombie kuno, mao na ang mga apprehension na mahimo kag zombie kung magpabakuna ka,” pahayag ng anak ng Pangulo.


(Kinausap ko ang mga doktor na merong IP vacinee at oo, maririnig mo ang sabi-sabi na magiging zombie ka kapag ikaw ay mabakunahan, kaya marami ang ang dadalawang-isip na magpapabakuna).


Nakuha ng mga indigenous people ang nasabing pekeng impormasyon sa social media. –A. Mae Rodriguez