INAASAHAN na ng Department of Health na maraming mga bakuna ng anti-COVID-19 ang masasayang sa mga lugar sa Visayas at Mindanao na labis na sinalanta ng bagyong Odette.
Ilang lugar sa Region 6 ang tinitingnan na ng DOH kung gaano kalaki ang pinsalang idinulot ng bagyo sa mga bakuna. Hinihintay pa rin nila ang ulat mula sa Region 7.
Maraming lugar sa Visayas at Mindanao ang wala pa ring kuryente dahil sa pananalasa ng bagyo.
Nauna nang sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines na sinimulan ang restoration ng transmission facilities sa Samar, Leyte, and Negros islands, Bohol, Cebu, Iloilo, Antique, entire Surigao and Agusan provinces, Compostela Valley, Davao Oriental, Lanao del Norte, and Misamis Occidental.
Matatandaan na ang COVID-19 vaccines ay temperature-sensitive at kinakailangang mailagay sa mga specialized cold storage facilities para hindi masayang.