INIHAYAG ni National Task Force Against Covid-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na simula sa Setyembre ay ipagbibili na sa merkado ang Covid-19 vaccines ng Pfizer at Moderna.
Ayon kay Galvez, nag-apply na ng full authorization status ang dalawang pharmaceutical companies sa World Health Organization (WHO).
“Moderna and Pfizer are now applying for full authorization. They might be open commercially by September or October,” ani Galvez.
Ipinaliwanag niya na ang mga bakuna na may full authorization status mula sa WHO ay maaari nang direktang ipagbili sa mga konsumer at pribadong kompanya.
Sa kasalukuyan ay tanging emergency use authorization lang mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang hawak ng mga manufacturer ng mga bakuna na itinuturok sa mga Pinoy.
Ibig sabihin, ani Tan, ang mga bakuna ay manggagaling sa gobyerno at hindi maaring ipagbili sa publiko.