Baguio napasok na rin ng Delta variant

NAPASOK na rin ng Delta variant ng coronavirus disease ang Baguio City, gaya na rin nang inaasahan ng marami.

Ito ang kinumpirma ngayong Linggo ng Department of Health matapos makapagtala ng isang kaso ng Delta variant sa lungsod.

Ayon sa rekord ng DOH Cordillera sa kalatas nito, bagamat tinamaan ng Delta variant ang nasabing indibidwal ay nakarekober naman na ito. Isa anya itong returning overseas Filipino (ROF). At base anya sa database ng Epidemiology Bureau hindi maituturing na local case ito.

Patuloy ang isinasagawang case backtracking at contact tracing.