INAASAHANG maglalabas ang Inter-Agency Task Force ng bagong guidelines sa paggamit face shields, ani Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos.
Kasunod ito ng deklarasyon kamakailan ni Pangulong Duterte na hindi na kailangang magsuot ng face shields sa mga pampublikong lugar.
“We have to rely on the advice of medical experts. Kung hindi ako nagkakamali, pipirmahan na, ilalabas na mamaya o tomorrow ‘yung recommendation ng mganq doktor at experts dito about the face shields,” ani Abalos.
Napag-alaman na nirerebisa na ng Department of Health ang memorandum sa guidelines sa paggamit ng face shield kung saan tututukan ang requirement nito sa mga “closed, crowded at close contact” na mga lugar.
“Kung ako ay lalabas kasama ang mga anak ko lalo na ‘yung maliliit na walang bakuna, I’d rather that they have extra protection. It is already a matter of choice,” sabi naman ni Abalos.
Aniya, makatutulong sa mga local executives at opisyal ng barangay ang mga guidelines kung paano ipatutupad ang mga bagong kautusan ukol sa paggamit ng face shield.
“For the meantime, we will be lenient with this,” dagdag niya.