Bagong COVID-19 variant nakaamba, Duterte nagbabala

NAGBABALA si Pangulong Duterte sa pagpasok ng bagong variant na naunang na-detect sa France noong NobyembrE na tinatawag na IHU variant.

“Another variant has also been reported in the so-called IHU variant, which was first detected in France last November. Dadating rin ito. Whether we like it or not, dadating ‘to,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People Huwebes ng gabi.

Iginiit naman ni Duterte na hindi maaaring pagbawalang makabalik sa bansa ang mga Pinoy.

“And because we cannot — you know, when a Filipino comes home, you cannot bar him from going back to his country. That’s ridiculous,” dagdag ni Duterte.

Aniya, kailangan lamang tiyakin ang mas mahigpit na pagpapatupad ng health protocol.

“So, we might come up with a more stricter — tutal nandiyan naman ‘yung mga pulis, nagbigay na man si (Interior) Secretary (Eduardo) Año. That should give us the guarantee that there would be no more violations of that nature. Pero ‘yung papauwi, eh tutal mayroon mang ano ‘yung — mayroon mang ano ‘yung swabbing pati the mandatory I think of being in the quarantine houses and the hotels,” ayon pa kay Duterte.