SINABI ng mga dalubhasa sa South Africa na na-detect nila ang isang variant ng COVID-19 na nakapagtala na ng 10 mutation.
Ayon sa mga otoridad, ang variant ay may scientific label B.1.1.529 na may mataas na mutation level.
Na-defect ang variant sa Botswana at Hong Kong matapos magbiyahe ang tinamaan ng virus sa South Africa.
Ayon sa mga scientist, nakapagtala na ng 10 mutation ang bagong variant kumpara sa dalawa ng Delta at tatlo naman ng Beta.
“The concern is that when you have so many mutations, it can have an impact on how the virus behaves,” sabi ni Maria Van Kerkhove ng World Health Organization (WHO).
Nagdeklara na ng ban ang United Kingdom sa anim na bansa sa South Africa matapos ang ulat hinggil sa bagong variant.