NAGBABALA si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na aabot hanggang 4,600 ang arawang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Metro Manila sa kalagitnaan ng Hulyo.
Ito’y sa harap naman ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
“Kapag ganito ang nangyari, by the middle of July, baka tumaas pa ang daily cases sa NCR, from 3,800 to 4,600, so ito yung bagong projection compared sa number daily cases sa ngayon,” sabi ni Vergeire sa panayam sa DZMM.
Idinagdag ni Vergeire na bumababa ang mga nagpapabakuna at bumaba ng 20 porsiyento ang pagsunod sa mga health protocol.
“Nakikita nga natin na tuloy-tuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa and nakita rin positivity rate ay tumataas,” dagdag ni Vergeire.