NANGANGAMBA ang OCTA Research na aapaw ng Covid-19 patients ang Metro Manila sa kalagitnaan ng Agosto kung hindi hihigpitan ng pamahalaan ang quarantine restriction.
Ani OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco, aabot ng 100 porsyento ang health care utilization rate ng National Capital Region sa Agosto 15.
“Once a Delta surge begins, it accelerates in an explosive fashion,” aniya.
“The Delta variant has a better key to enter human cells. It is also more able to make more copies of itself,” paliwanag niya.
Ilang araw nang kinakalampag ng grupo ang pamahalaan na magpairal ng “circuit-breaking” lockdown upang mapigilan ang pagsipa ng mga kaso ng mas nakahahawang Delta variant.
“The high transmission rate overwhelms the contact tracing capacity of the local government. It is difficult to do contact tracing if people are moving constantly between cities,” ani Austriaco.
Naniniwala siya na kung magpapatupad ng circuit breaker lockdown sa Agosto 1 ay aabutin lamang ng hanggang dalawang linggo upang muling makontrol ang pandemya.