ISINAMA na ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa priority list ng mga babakunahan kontra-Covid-19 ang mga atleta at coach na lalahok sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games.
Ayon kay presidential spokesman Harry Roque, inirekomenda ng technical working group ng Interim National Immunization Technical Advisory Group sa IATF na gawing prayoridad ang mga atleta at coach.
“IATF approved the Technical Working Group’s recommendation to the Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) to prioritize the vaccination of athletes, coaches, delegates and officials bound for the Tokyo Olympics and the South East Asian Games,” ani Roque.
Magsisimula ang Olympics sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 habang gaganapin naman ang SEA Games sa Hanoi, Vietnam mula Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.
Kasama rin sa prayoridad ng babakunahan ang mga delagado at opisyal na dadalo sa dalawang paligsahan.