AstraZeneca may pinakamahabang proteksyon vs Covid

KUMPARA sa ibang bakuna, mas mahaba ang naibibigay na proteksyon ng bakuna na gawa ng British-Swedish firm na AstraZeneca.


Ginawa ni Vaccine Expert Panel chairperson Dr. Nina Gloriani ang pahayag habang umaapela sa publiko na huwag muna magpa-booster shot.


Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Gloriani na lahat ng brand ng bakuna ay epektibo kontra Covid-19 nang mula anim hanggang walong buwan, kung saan ang AstraZeneca ay umaabot hanggang isang taon.


“Sinovac goes down in less than six months, but if there is a booster, it will go up again. Pfizer and Moderna, meron dn silang six months,” ani Gloriani.


“Janssen, they have a data– eight months, the protection remains robust. Iyong AstraZeneca ang may pinakamahaba. This is based on public data, not press releases. One year po sila,” dagdag ng opisyal. –A. Mae Rodriguez