INAPRUBAHAN ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Liturgy (CBCP-ECL) ang pagbabalik ng ritwal na paglalagay ng abo sa noo tuwing ginugunita ang Ash Wednesday.
Sa Marso 2, ang Ash Wednesday, ang unang araw ng paggunita ng Kwaresma.
Idinagdag ni CBCP-ECL chairperson, Bishop Victor Bendico, na maaari pa rin ang pagbubudbod abo sa ulo para sa may agam-agam pa rin dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.
Sa ilallim ng bagong panuntunan na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa Alert Level 1 simula bukas, Marso 1, maaari na ang 100 capacity sa mga simbahan, bagamat kailangan pa ring fully vaccinated ang papayagang makadalo sa misa sa loob.