NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang mister ng ika-apat na Omicron variant patient sa bansa.
“We have already traced the contacts of this person (fourth Omicron variant case). Her husband turned positive also. He is currently in an isolation facility and close contacts at home are isolated,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Sinabi pa ni Vergeire na nakakuha na ang mga awtoridad ng health sample mula sa asawa ng pasyente na isasailalim sa genome sequencing upang matukoy kung Omicron variant ang dumapo rito.
Ang ika-apat na kaso ng Omicron ay isang 38-anyos na traveler mula sa United States na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Disyembre 10 at sakay ng Philippine Airlines flight PR 127.
“The manifest is with us already. We are just trying to determine who among these passengers were in close contact with this individual,” ani Vergeire.
Samantala, nakatakda namang i-retest ang ika-apat na may Omicron variant ngayong Martes.