SINABI ni Acting presidential spokesperson Karlo Nograles na posibleng ideklara ang Alert Level 4 sa Metro Manila sa harap ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (Covid-19) sa bansa.
“Pag kinakailangan itaas ang alert level ng isang lugar, saan man dito sa ating bansa, kapag tumama sa parameters ng ating alert level system ay ginagawa naman po agad natin,” sabi ni Nograles.
Ito’y matapos umabot na sa mahigit 21,000 ang bagong kaso ng COVID-19 nitong Biyernes sa bansa kung saan 70 porsiyento rito ay mula sa Metro Manila.
“Isang indicator na pinag-aaralan din po natin iyong health care workers… Pinag-aaralan natin if it should be a fourth indicator in our alert level system because this is something that we are seeing on the ground,” sabi ni Nograles.