TUTOL ang Advisory Council of Experts (ACE) sa posibleng pagtataas ng Alert Level 2 sa Metro Manila sa harap ng pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (Covid-19).
Sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na nagpulong ang mga miyembro ng ACE noong Biyernes na dinaluhan ng mga eksperto, kinatawan mula sa pribadong sektor, at ng mga miyembro ng OCTA Research Group.
“First of all, hindi na kaya ng economy natin itaas pa iyong alert level. So that’s the most important thing. Hindi naman malubha ang mga nagkakasakit, halos mild lahat sila at within five days, lahat sila ay gumagaling, ” sabi ni Concepcion.
Idinagdag ni Concepcion na dapat na ikonsidera lamang ang pagtataas ng alert level kung napupuno ang healthcare utilization rate (HCUR).
“In other words, kung talagang napupuno iyong hospital natin, diyan lang tayo puwedeng tumingin sa mga alert level kung gagalawin natin,” ayon pa kay Concepcion.
Nauna nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na limang lungsod at munisipalidad sa Metro Manila ang nakitaan ng ng 200 porsiyentong pagtaas ng mga kaso ng Covid-19.