POSIBLENG palawigin hanggang Disyembre 31 ang implementasyon ng Alert Level 2 sa maraming bahagi ng bansa, kabilang na ang Metro Manila, sa gitna ng banta ng bagong Omicron variant.
“Well, it would appear. Unless nga we get more conclusive data from WHO. So, unless we get that, kasi right now, puro preliminary data lang eh. Kaya wala pa iyong comfort level kumbaga ng IATF to definitely put and set and finalize the parameters for Alert Level 1,” sabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles.
Idinagdag ni Nograles na patuloy na hinihintay ng pamahalaan ang abiso ng World Organization (WHO) kaugnay ng Omicron variant.
“So, tuluy-tuloy naman ang mga IATF meetings natin, so abangan na lang po natin ano iyong maging kinalabasan nito. But again, we are waiting for more conclusive data from the WHO with regard sa Omicron,” aniya.