DUMATING kagabi sa bansa ang 938,340 doses ng Pfizer na bahagi ng donasyon mula sa COVAX facility.
Sinalubong nina Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., at U.S. Embassy Chargé d’Affaires Heather Variava ang pagdating ng mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal (NAIA) Terminal 3.
Ngayong araw, nakatakda namang dumating ang 844,800 doses ng AstraZeneca vaccines na donasyon naman ng German government sa COVAX facility.
“We would like to reassure local government units throughout the country, especially those outside the National Capital Region, that the National Task Force Against COVID-19 is focused on ensuring the equitable and timely distribution of vaccines among LGUs nationwide with the arrival of bigger vaccine deliveries in the country,” sabi ni Galvez.