90% pulis fully vaxxed na – Eleazar

AABOT na sa 90 porsiyento ang bilang ng mga pulis ang fully vaccinated na, ayon kay National Police chief General Guuillermo Eleazar.

“Sa atin sa PNP, with our more than 223,000, pati na rin ang non uniformed personnel, 89 percent na are fully vaccinated that is around 199,362,” pahayag ni Eleazar sa panayam nito sa TeleRadyo ngayong Biyernes.

Dagdag ng opisyal na 10 percent o higit sa 21,000 pulis ang nakakaisang dose pa lang ng bakuna at naghihintay na lamang para maging fully vaccinated na.

Samantala, may 538 active cases ng coronavirus disease ang naitala sa hanay ng kapulisan.