.8M bagong doses ng Pfizer dumating

DUMATING kagabi sa bansa ang 866,970 doses ng Pfizer na bahagi ng binili ng pamahalaan.

Lumapag ang Air Hongkong sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pasado alas-9 ng gabi.

Ayon sa opisina ni Vaccine czar Carlito Galvrz, Jr. umabot na sa kabuuang 109,779,430 doses ng iba’t ibang bakuna ang dumating sa bansa.

Ngayong Sabado inaasahang darating din ang 866,970 doses ng Pfizer.