EIGHTY-FIVE porsyento ng mga COVID-19 patients na nasa intensive care units (ICU) ay pawang mga hindi bakunado.
“Over the week, we have noted a steady increase in hospital admissions in Metro Manila. Data from DOH hospitals in NCR [National Capital Region] shows that 85% of those in the ICU and requiring mechanical ventilators are not vaccinated at all,” ayon sa Department of Health nitong Sabado.
Dahil dito muling nanawagan ang kagawaran sa publiko na huwag nang magdalawang-isip na magpabakuna para sa dagdag kaligtasan.
“With both Delta and Omicron variants in our midst, we reiterate our call to all who have not yet availed of safe, effective, and free COVID-19 vaccines. Do not delay any further,” dagdag pa ng DOH.
Ang mga severe cases na nasa ICU ay silang nangangailangan ng ventilators.