TARGET ng pamahalaan ng mabakunahan ang 77 milyong mga Pilipino sa katapusan ng Marso ngayon taon.
Ito ang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. kay Pangulong Duterte sa Talk to the People Lunes ng gabi.
Ayon pa kay Galvez na posibleng umabot sa 90 milyon ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan sa ikalawang bahagi ng 2022.
” Base po sa ating kasalukuyang datos, kayang-kaya po natin, Mr. President, na dahil mayroon na po tayong daily average na 500,000 second dosing per day, ” sabi ni Galvez.
Aniya, umabot na sa 4.7 milyong Pinoy ang nabigyan ng booster.
“Ito po sa ating analysis ay mababa dahil halos sabay po natin inilunsad ang pagbabakuna ng mga bata, ang mga bata po ngayon ay mahigit na eight million,” aniya.