DUMATING sa bansa Miyerkules ng gabi ang 703,170 doses ng Pfizer.
Lulan ng eroplanong Air Hong Kong ang mga bakuna at lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa opisina ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr., ilalaan ang tig-51,580 doses ng Pfizer sa Cebu at Davao.
Samantalang maiiwan naman sa Metro Manila ang 600,210 doses ng Pfizer.
Sinabi ni Galvez na sinimulan na ng pamahalaan ang patas na pamamahagi ng bakuna sa mga lalawigan.
“We have already started to employ a new strategy in supply allocation wherein the primary consideration is given to the number of unvaccinated individuals per region or local government unit,” sabi ni Galvez.