SA KABILA NANG SUNOD-SUNOD na pagtaas ng bilang ng mga nahahawa sa coronavirus disease, mayorya pa rin ng PINOY PUBLIKO ang ayaw pa ring magpabakuna sakaling available na ito.
Ayon sa survey na isinagawa ng Pulse Asia nitong Marso 22 hanggang Marso 3, sinasabing anim sa 10 Pinoy o 61 porsyento ang ayaw pa ring magpabakuna kontra sa Covid-19 habang 16 porsyento naman ang gustong magpaturok habang 20 porsyento naman ang hindi masabi kung gusto ba nila o ayaw.
Sa tala ng mga ayaw magpaturok, 84 porsyento sa kanila ang nagdahilan na hindi sila sigurado kung ligtas nga ba ang bakuna.
Samantala sa mga nais namang magpaturok, naniniwala ang marami na mas epektibo ang Pfizer habang ikalawa naman ang Sinovac at AstraZeneca.
Kinuha ng Pulse Asia ang opinyon ng 2,400 Pinoy para sa nasabing survey.