UMABOT na sa 58 porsyento ng mga batang edad 12 hanggang 17 ang fully vaccinated na laban sa coronavirus disease, ayon sa tala ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP).
Sinabi ni Dr. Mary Ann Bunyi, pangulo ng PIDSP, tinatayang 6.2 milyon sa 10.7 milyon target na kabataang Pinoy na nasa edad 12 hanggang 17 ang fully vaccinated na.
Sa nabanggit ng numero, tanging 2,640 lamang ang naitalang nagkaroon ng adverse reaction sa bakuna, at 94 porsyento rito ay pawang mga mild at hindi life-threatening.
“Most cases have been mild but some have turned into severe and critical manifestations, including multisystem inflammatory syndrome in children,” ayon kay Bunyi.