INIULAT ng Department of Health (DoH) ngayong Linggo ang karagdagang 516 bagong kaso ng Delra variant, dahilan para umabot na sa 1,789 ang kabuuang kaso ng mas matinding variant.
Base sa datos ng DoH, sa kabuuang kaso, 473 cases ay lokal na mga kaso, 31 ang Returning Overseas Filipinos (ROF), at 12 iba pang ang patuloy na bineberipika.
Aabot sa 114 mga lokal na kaso ay sa National Capital Region, 24 sa Ilocos Region, 32 sa Cagayan Valley; 64 kaso ay sa Central Luzon; 79 sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) at 20 kaso MIMAROPA (Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan).
Samantala, 16 kaso ay sa Bicol Region, 13 sa Western Visayas; 23 sa Central Visayas; 12 kaso sa Zamboanga Peninsula; 48 kaso sa Northern Mindanao; 22 kaso sa Davao Region, at anim sa Cordillera Administrative Region.